Pinoy Big Brother (Season 7)
Ang programang ito ay isa sa humihikayat sa mga tao na magpakita ng kani-kanilang talento. Ito ay inaabangan ng lahat. Kahit sino ay pwedeng sumali dito ngunit ito ay by season. Lahat ng sumasali dito ay bago lumabas ng bahay ni kuya ay may natutunang aral. Kahit ang mga manonood ay may napupulot ding aral. Sa ngayon ang PBB o Pinoy Big Brother (Season 7) ay kasalukuyang ipina lalabas at mga kabataan ang mga kasali na nagmula sa iba't- ibang lugar , kultura , o kinalakihan.Ngunit sa kanilang pagpasok sa bahay ni kuya ay malaki na din ang pinagbago nila. Katulad ni Christian, si Christian ay nung pumasok ay medyo mababa ang kanyang pangunawa pero habang tumatagal ang kanyang pagtira sa bahay ni kuya ay unti unti niyang naiisip na hindi lahat ay kailangang mag-adjust para sa kanya. kundi siya din dapat ay mag-adjust upang mas magkaintindihan dahil hindi sila pare-pareho ng kinalakihang lugar.
Ang programang ito ay humihikayat ng mga kabataan upang sumali dito. Ang progrmang ito ay nagtuturo ng aral sa mga manunuod at mga kalahok nito. Ang mga kabataan na sumali dito , nung una ay gusto lamang nila makapasok dito dahil sa mga artistang gusto nilang makita. Ngunit pag ikaw ay sumali dito kailangan mong isakripisyo ang iyong pag-aaral dahil ito ay nagsisimula tuwing may pasok o school year. At habang tumatagal sila dito ay nagiging responsable na sila sa mga bagay bagay. Bago pa man sila umalis o matapos ang Pinoy Big Brother ay madami silang aral na napulot kay kuya. At ang mga bagay na akala nila hindi nila kayang gawin ay nagagawa nila, at natutong na din silang tumanggap ng kanilang pagkakamali. Ang programang ito ay hindi lamang para sa mga kalahok , kundi para din sa mga manunuod sa mga aral na nakukuha dito. Madali nilang maiintindihan ang mga aral na sinasabi o binibigay ni kuya dahil ito ay madali lang maintindihan at hindi malalalim na salita ang ginagamit.
https://www.youtube.com/watch?v=oCiyh8alg_I
https://www.youtube.com/watch?v=PpoGnq6pfCM

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento