Huwebes, Setyembre 22, 2016

Eat Bulaga (Kalye Serye)

Eat Bulaga (Kalye Serye)
Ang programang eat bulaga ay isang manlilibang o nagbibigay-aliw sa mga manunuod, tumutulong sa mga taong nanghihingi ng tulong, ito din ay humihikayat sa mga tao na makipag-kaisa upang makatulong sa iba na hirap sa buhay. Sa ngayong ang programang eat bulaga ay patok na patok dahil sa bago nilang segment na kahit matanda o bata ay mahihikayat na manood nito dahil sa mga aral na pinapakita dito.Ang serye na ito ay tungkol sa buhay pag-ibig.



Ang programang ito ng eat bulaga ay isang nanlilibang o nagbibigay-aliw sa mga manunuod, tumutulong sa mga bata o matanda at humuhikayat ng mga tao dahil sa mga aral na ibinibigay tungkol sa buhay pag-ibig ng mga karakter ng segment na ito, upang sila ay magiging katotohanan, ang ilan dito ay;
  • hindi lahat ng bagay ay minamadali.
  • lahat ng oras ay mahalaga
  • ang pagibig ay hindi isang laro at dapat ito ay totoo
ito ang mga ilan sa mga aral ni lola sa kanyang apo na si Maine Mendoza at kasama na din si Alden Richard at para sa mga manunuod na mga bata at matatanda upang maintindihan nila ang tungkol sa buhay pag-ibig, upang ipaalam na hindi lahat ng bagay ay minamadali at lahat ng ito ay may prosesong pinagdaanan.Ang mga aral na sinasabi dito ay para na din sa pangangaral sa lahat ng manunuod dahil madaming kabataan ang masyadong nahuhumaling pagdating sa salitang pag-ibig kung kaya't sila ay napapariwara sa buhay.Kung kaya't maganda itong ipapanuod sa lahat dahil may makukuha silang magandang aral. Ang programang ito ay walang ibang hinangad na masama dahil una pa lamang ay ginawa nila ito upang makatulong sa mga magulang ng kabataan sa pagpapangaral dahil madami na ang kabataan na masyadong mapusok dahil lamang sa salitang pag-ibig na wala man lang kasiguraduhan na ito ay para talaga sa kanila at sa kadahilanang hindi na sila nakakapagtapos ng pag-aaral. Kaya itong programang ito ay isa sa mga pinaka maganda palabas o serye dahil kahit anong edad ay maiintindihan ang daloy ng storya at kung anong mga aral ang makukuha nila. Hindi naman ito mahirap intindihin dahil ito ay ginamitan ng mga mababaw lamang na salita upang maintindihan ng lahat ng manunuod.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento