Huwebes, Setyembre 22, 2016

Aking Ama by: Lil Coli

Aking Ama
by: Lil Coli
Nung ako’y bata pa
Nang iwan ako ng aking ama
Mata’y lumuluha na (lumuluha ang mata)
Di kaya ni nanay ng iwan nya
Sakin ay may bumulong
Sabi ni tatay na wag iiyak
Malungkot ako aking ama

Chorus
Kung may pagkakataon na mayakap sya
At masabi ko na mahal kita ama
Awiting to ay alay ko sayo
Mahal na mahal, mahal kita o aking ama

Ako at si nanay, iniisip ka
Sa panaginip nalang tayo nagkikita
Kulitan natin dati
Mga alaala mo nung kasama ka
Haplos na galing sayo
Mga payo na tinuro mo
Di malilimutan aking ama

Chorus
Kung may pagkakataon na mayakap siya
At masabi ko na mahal kita ama
Awiting to ay alay ko sayo
Mahal na mahal, mahal kita o aking ama

Rap:
Gumuho ang pangako pangarap ay napako
Hindi rin madali na kalungkutan ay itago
Lahat naman ng bagay ay merong katapusan
At meron kang pagsubok na kailangang lagpasan
Ang makasama ka binuhay mo ko ay bigay ng Diyos
Alaala na iniwan mo ay di magatatapos
Dahil mayrong isang awitin na likha ng iyong anak
At mayrong isang anak pangakong di na iiyak (pangakong di na iiyak) 2x

Chorus
Kung may pagkakataon na mayakap sya
At masabi ko na mahal kita ama
Awiting to ay alay ko sayo
Mahal na mahal, mahal kita o aking ama

Ang kantang ito ay kilala ng halos lahat ng kabataan na nangungulila sa kanilang ama. Ang kantang ito ay may magandang mensahe na inaalay sa isang ama at pinaparamdam dito ang tunay na nararamdaman at kung paano niya gustong gusto na bumawi. Nasabi din dito na kung gaano lubos na nasasaktan ang kanyang ina. Ginamitan din ito ng mga salitang madaling intindihin upang kahit mga bata ay maintindihan at malaman kung ano ang ipinaparating nito. Alam naman natin na mahirap at masakit mawalan ng minamahal sa buhay , lalo na kung ito ay malapit sa iyo. Kaya sana ay habang nasa tabi pa natin ang ating mga magulang ay kailangan natin na ipadama sa kanila ang ating pagmamahal , at suklian sila sa lahat ng kanilang pagsasakripisyo. Sabi nila nakakaiyak ang kantang ito, dahil sa mensaheng nakapaloob dito. Nakakaiyak man ito pero nagising din tayo sa katotohanang hindi sila habang buhay na nasa tabi natin kung kaya't kailangan natin gumawa ng paraan upang matulungan at mapalitan ang lahat ng pagsasakripisyo nila sa atin.






https://m.youtube.com/watch?v=q-J6eLynHYc

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento