Huwebes, Setyembre 22, 2016

Eat Bulaga (Kalye Serye)

Eat Bulaga (Kalye Serye)
Ang programang eat bulaga ay isang manlilibang o nagbibigay-aliw sa mga manunuod, tumutulong sa mga taong nanghihingi ng tulong, ito din ay humihikayat sa mga tao na makipag-kaisa upang makatulong sa iba na hirap sa buhay. Sa ngayong ang programang eat bulaga ay patok na patok dahil sa bago nilang segment na kahit matanda o bata ay mahihikayat na manood nito dahil sa mga aral na pinapakita dito.Ang serye na ito ay tungkol sa buhay pag-ibig.



Ang programang ito ng eat bulaga ay isang nanlilibang o nagbibigay-aliw sa mga manunuod, tumutulong sa mga bata o matanda at humuhikayat ng mga tao dahil sa mga aral na ibinibigay tungkol sa buhay pag-ibig ng mga karakter ng segment na ito, upang sila ay magiging katotohanan, ang ilan dito ay;
  • hindi lahat ng bagay ay minamadali.
  • lahat ng oras ay mahalaga
  • ang pagibig ay hindi isang laro at dapat ito ay totoo
ito ang mga ilan sa mga aral ni lola sa kanyang apo na si Maine Mendoza at kasama na din si Alden Richard at para sa mga manunuod na mga bata at matatanda upang maintindihan nila ang tungkol sa buhay pag-ibig, upang ipaalam na hindi lahat ng bagay ay minamadali at lahat ng ito ay may prosesong pinagdaanan.Ang mga aral na sinasabi dito ay para na din sa pangangaral sa lahat ng manunuod dahil madaming kabataan ang masyadong nahuhumaling pagdating sa salitang pag-ibig kung kaya't sila ay napapariwara sa buhay.Kung kaya't maganda itong ipapanuod sa lahat dahil may makukuha silang magandang aral. Ang programang ito ay walang ibang hinangad na masama dahil una pa lamang ay ginawa nila ito upang makatulong sa mga magulang ng kabataan sa pagpapangaral dahil madami na ang kabataan na masyadong mapusok dahil lamang sa salitang pag-ibig na wala man lang kasiguraduhan na ito ay para talaga sa kanila at sa kadahilanang hindi na sila nakakapagtapos ng pag-aaral. Kaya itong programang ito ay isa sa mga pinaka maganda palabas o serye dahil kahit anong edad ay maiintindihan ang daloy ng storya at kung anong mga aral ang makukuha nila. Hindi naman ito mahirap intindihin dahil ito ay ginamitan ng mga mababaw lamang na salita upang maintindihan ng lahat ng manunuod.

Pinoy Big Brother (Season 7)

Pinoy Big Brother (Season 7)
Ang programang ito ay isa sa humihikayat sa mga tao na magpakita ng kani-kanilang talento. Ito ay inaabangan ng lahat. Kahit sino ay pwedeng sumali dito ngunit ito ay by season. Lahat ng sumasali dito ay bago lumabas ng bahay ni kuya ay may natutunang aral. Kahit ang mga manonood ay may napupulot ding aral. Sa ngayon ang PBB o Pinoy Big Brother (Season 7) ay kasalukuyang ipina lalabas at mga kabataan ang mga kasali na nagmula sa iba't- ibang lugar , kultura , o kinalakihan.Ngunit sa kanilang pagpasok sa bahay ni kuya ay malaki na din ang pinagbago nila. Katulad ni Christian, si Christian ay  nung pumasok ay medyo mababa ang kanyang pangunawa pero habang tumatagal ang kanyang pagtira sa bahay ni kuya ay unti unti niyang naiisip na hindi lahat ay kailangang mag-adjust para sa kanya. kundi siya din dapat ay mag-adjust upang mas magkaintindihan dahil hindi sila pare-pareho ng kinalakihang lugar.

Ang programang ito ay humihikayat ng mga kabataan upang sumali dito. Ang progrmang ito ay nagtuturo ng aral sa mga manunuod at mga kalahok nito. Ang mga kabataan na sumali dito , nung una ay gusto lamang nila makapasok dito dahil sa mga artistang gusto nilang makita. Ngunit pag ikaw ay sumali dito kailangan mong isakripisyo ang iyong pag-aaral dahil ito ay nagsisimula tuwing may pasok o school year. At habang tumatagal sila dito ay nagiging responsable na sila sa mga bagay bagay. Bago pa man sila umalis o matapos ang Pinoy Big Brother ay madami silang aral na napulot kay kuya. At ang mga bagay na akala nila hindi nila kayang gawin ay nagagawa nila, at natutong na din silang tumanggap ng kanilang pagkakamali. Ang programang ito ay hindi lamang para sa mga kalahok , kundi para din sa mga manunuod sa mga aral na nakukuha dito. Madali nilang maiintindihan ang mga aral na sinasabi o binibigay ni kuya dahil ito ay madali lang maintindihan at hindi malalalim na salita ang ginagamit.

https://www.youtube.com/watch?v=oCiyh8alg_I
https://www.youtube.com/watch?v=PpoGnq6pfCM

Aking Ama by: Lil Coli

Aking Ama
by: Lil Coli
Nung ako’y bata pa
Nang iwan ako ng aking ama
Mata’y lumuluha na (lumuluha ang mata)
Di kaya ni nanay ng iwan nya
Sakin ay may bumulong
Sabi ni tatay na wag iiyak
Malungkot ako aking ama

Chorus
Kung may pagkakataon na mayakap sya
At masabi ko na mahal kita ama
Awiting to ay alay ko sayo
Mahal na mahal, mahal kita o aking ama

Ako at si nanay, iniisip ka
Sa panaginip nalang tayo nagkikita
Kulitan natin dati
Mga alaala mo nung kasama ka
Haplos na galing sayo
Mga payo na tinuro mo
Di malilimutan aking ama

Chorus
Kung may pagkakataon na mayakap siya
At masabi ko na mahal kita ama
Awiting to ay alay ko sayo
Mahal na mahal, mahal kita o aking ama

Rap:
Gumuho ang pangako pangarap ay napako
Hindi rin madali na kalungkutan ay itago
Lahat naman ng bagay ay merong katapusan
At meron kang pagsubok na kailangang lagpasan
Ang makasama ka binuhay mo ko ay bigay ng Diyos
Alaala na iniwan mo ay di magatatapos
Dahil mayrong isang awitin na likha ng iyong anak
At mayrong isang anak pangakong di na iiyak (pangakong di na iiyak) 2x

Chorus
Kung may pagkakataon na mayakap sya
At masabi ko na mahal kita ama
Awiting to ay alay ko sayo
Mahal na mahal, mahal kita o aking ama

Ang kantang ito ay kilala ng halos lahat ng kabataan na nangungulila sa kanilang ama. Ang kantang ito ay may magandang mensahe na inaalay sa isang ama at pinaparamdam dito ang tunay na nararamdaman at kung paano niya gustong gusto na bumawi. Nasabi din dito na kung gaano lubos na nasasaktan ang kanyang ina. Ginamitan din ito ng mga salitang madaling intindihin upang kahit mga bata ay maintindihan at malaman kung ano ang ipinaparating nito. Alam naman natin na mahirap at masakit mawalan ng minamahal sa buhay , lalo na kung ito ay malapit sa iyo. Kaya sana ay habang nasa tabi pa natin ang ating mga magulang ay kailangan natin na ipadama sa kanila ang ating pagmamahal , at suklian sila sa lahat ng kanilang pagsasakripisyo. Sabi nila nakakaiyak ang kantang ito, dahil sa mensaheng nakapaloob dito. Nakakaiyak man ito pero nagising din tayo sa katotohanang hindi sila habang buhay na nasa tabi natin kung kaya't kailangan natin gumawa ng paraan upang matulungan at mapalitan ang lahat ng pagsasakripisyo nila sa atin.






https://m.youtube.com/watch?v=q-J6eLynHYc